second semester, first year college. sa mga kapwa ko gabayano unang narinig ang mga salitang "maganda ang buhay". kung tatanungin mo ang mga gabayano kung ano ang motto nila (tulad ng tinatanong sa mga slumbook noong elementary), malamang marami sa amin na iyan ang ilalagay. di nagtagal, nalaman ko na rin ang buong kasaysayan ng mga salitang ito. isang kuya ang nagbigay sakin ng salin ng Desiderata sa Tagalog. mula noon, palagi na akong nagtatago ng kopya nito saan man. at heto, gusto ko rin syang ilagay dito.
Humayo nang panatag
Sa gitna ng ingay at pagmamadali, at tandaang
May kapayapaang matatagpuan sa katahimikan.
Hangga’t maaari nang walang pagsuko,
Makipagkapwa-tao.
Bigkasin ang iyong katotohanan nang mahinahon at
Malinaw, at makinig sa iba, kahit sa mapurol o mangmang:
Sila ma’y may kanilang salaysayin.
Iwasan ang mga taong maingay at magaspang; sila’y
Nakakarindi sa diwa.
Kung ihahambing mo ang sarili sa iba, maaaring
Maging hambog at masamain ang loob pagka’t
Laging may hihigit sa iyo at may hihigtan ka.
Masiyahan ka sa iyong mga natamo, gayundin sa iyong mga balak.
Manatiling buhos ang iyong kalooban sa mga gawain, gaano man
Kababa; tunay itong kayamanan sa nagbabagong panahon.
Maging maingat sa pakikipagkalakalan pagka’t ang mundo’y
Batbat ng panlilinlang. Subalit huwag hayaang
Makabulag ito sa iyon sa anumang kabutihang mayroon; maraming
Nagpupunyagi para sa mga adhikaing dakila; at sa lahat ng dako,
Ang buhay ay lipos ng kabayahinan.
Huwag magkunwari laluna ng pagmamahal.
Huwag ding tatalikuran ang pag-ibig, pagka’t sa gitna ng
Katigangan at kalungkutan, kailanma’y uusbong
At nabubuhay itong tulad ng damo.
Maluwag na tanggapin ang payo ng katandaan; banayad
Na isuko ang mga bagay ng kamusmusan.
Arugain ang tibay ng loob na sasalag sa mga biglaang
Sakuna. Ngunit huwag panlulumo sa mga guni-guni.
Maraming takot ang dulot ng pagod at kalungkutan.
Sa kabila ng malusog na disiplina, maging mabait sa iyong sarili.
Anak ka ng sanlibutan, tulad ng mga punungkahoy at bituin;
May lugar ka rito. At malinaw man sa iyo o hindi,
Walang alinlangang bumubukadkad ang daigdig ayon sa nararapat
Kaya maging panatag ka sa Diyos, anuman ang pagkakakilala mo sa kanya,
At anuman ang iyong mga gawain at mithiin, sa maingay na
Kalituhan ng buhay, panatilihin mong panatag ang iyong kalooban.
Sa kabila ng panlilinlang, kawalang-buhay at mga gumuguhong pangarap,
Maganda pa rin ang mundo.
Mag-ingat. Magsikap lumigaya.
(salin sa Tagalog ng Desiderata ni Max Ehrmann)
mag-ingat. magsikap lumigaya.
half year anniversary
it has been exactly six months since my last post here. i cannot believe i have been that busy. because i haven't. i was just procrastinating. i kept putting everything off. but i was a little busy, yes.
since my last entry here, i have finished my studies and am now due to graduate this may. i have also finished two years of backlog on our financial statements, so, with thanks to the gods of high heavens, we are now up-to-date. lastly, i've been busy with creating our website! mind you, i am starting from scratch! i had to learn photoshop, dreamweaver, html, and all those what-nots, to figure out how to create a stupid elementary website! and i had to cram them in two months!
but all those have been done so, here i am, ready to move on and relax a for a while.
(photo from here)